I. Panimula

- kwentong nagpapahayag ng mga pangyayari hango sa tunay na pangyayayri o hindi.

II. Pormalistiko 

a. Buod- ito'y nagsimula noong nagbabasa ng libro si Ms. Galang at nakita niya ang ngalan ng kanyang pabotritong estudyante si Jose Peña. Naaalalaa niya si Jose Peña dahil sa matalino ito. May kumatok sa pinto ng kanyang inookupang kwarto sa isang oospital. Ito ang doktor ng ospital si, Dr. Magno Mojico. Nagkuwentuhan sila at napakarami nilang napagusapan sa kanilang paguusap. Kilala si Mojico bilang tamad sa klase. Ngunit sa kinalauna'y sa paglakad ng panahon. Si Magno na noo'y pa-petiks-petiks lang ay isa nang mgaling na dokto  ngayon.

b. Mga Elemento
1. Paksa- tungkol sa mga tao, kahit na may problema sa nakaraan, ngunit nalalagpasan sa paglakad ng panahon./
2. Tagpuan- sa isang kwarto ng hospital 
3. Tauhan- Miss Galang , Dr. Magno at Jose Peña, 
4. Banghay- 
       a. Panimula- Noong nasa isang araw, nabasa ni Miss Galang ang pangalan ng kanyang estudyanteng si Jose Peña. 
       b. Saglit na Kakintalan- Dumating ang doktor na gumamot kay Miss Galang. 
       c. Papataas na Aksyon- Kahit anong paalala ng doktor, ay hindi pa rin sila maalala nito. 
       d. Kasukdulan- Nakita ni Miss Galang ang larawan ni Dr. Mojico, na nakalagay na "MATALINO SANA, TAMAD LANG."
       e. Pababang Aksyon- Noong nalaman ni Miss Galang si Dr. Mojico, ang estudyante niyang tamad. 
       f. Wakas- Natutunan ni Miss Galang ang mga tao ay may pagkakataon ing magbago ng buhay sa pagaaral. 
       g. Tunggalian- Tao laban sa Lipunan. 

III. Teoryang Pampanitikan 
   A.  
1)   Teoryang Klasismo- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

2)   Teoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

3)   Teoryang Imahismo-  Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. 

4)   Teoryang Realismo-     Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. 

5)   Teoryang Feminismo-  Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. 

6)   Teoryang Saykolohikal- Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. 

7)   Teoryang Romantisismo- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. 

8)   Teoryang Formalismo/Formalistiko- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. 

9)   Teoryang Queer- Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.

10)      Teoryang Psycho-Analitiko- ipinapakita sa akada ang pagkaagresibo ng mga tao sa usaping sekswal at mga sexual urges.


b.
 Ang aking gagamiting teoryang pampanitikan ay Humanismo
c. 
Dahil po ay naipapakita dito ang kakayahan ni Dr. Magno, dahil sa kaniyang pagsisisikap. 


IV. Ganting-Galaw.
    Maganda ang kuwento. 






Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    March 2013

    Categories

    All