It's More Fun in the Philippines
It's More Fun In The Philippines!
Napakaraming magaganda at masasayang pwedeng gawin dito sa Pilipinas.Pilipinas na may kinukubling ganda at saya sa bawat sulok nito.Marahil ay hindi pa natin natutuklasan ngunit sa ngayon pa lamang ay lumalabas na ang itinatago nitong ganda.
Sa Pilipinas,makikita at mararanasan natin ang kakaibang saya na sa ibang bansa'y di mo makikita.Bawat lugar na ating nakikita ay talagang maraming ikinukubling ganda't saya at karanasang dito mo lang mararanasan.Bawat taong pumupunta sa ating bansa ay mayroong iba't-ibang karanasang hindi nila malilimutan.Karanasang di maaalis sa kanilang isipan kahit na sandali lang ang inilagi nila sa ating bansa.
Isang patunay nito ang pagkabilang ng Puerto Prinsese Underground River sa Palawan sa 7 Wonders of the World.Ito'y talagang ipinagmamalaki nating mga Pilipino dahil sa talagang taglay na ganda nito.Halo-halo rin ang karanasang mararanasan mo sa pagpunta mo rito.Ipinagmamalaki talaga natin ito. Pinatutunayan lang nito na sa kabila ng di magagandang kaganapan sa Pilipinas ay may natitiran parin itong kagandahan at saya na dito mo lang makikita at mararanasan.Talagang pinagmamalaki ko ang Pilipinas,It's More Fun In The Philippines!

Liwanag sa Likod ng Ulap
Sa araw araw,marami tayong nararanasang pagsubok sa buhay.May mga pangyayari na hindi natin inaasahang darating.Mga pagsubok na inakala nating lahat ay wala ng katapusan.Wla ng liwanag na makikitang muli.Subalitsa lahat ng dilim ay palaging may katumbas na liwanag.
Sa isang tao,hindi na mabilang ang mga pangyayari an naganap sa buhay niya.Ngunit sino bang makakalimot sa mga masasamang pangyayaring nagaganap sa atin.Ito'y ang mga bagay na hindi maalis sa ating isipan dahil sa masamang idinulot nito.Tayo man ay nawawalan ng pag-asa ngunit matapos ang lahat ng ito'y may bagong liwanag na darating na tutulong sa atin upang magsimula ng panibagong kabanata ng ating buhay.
Halimbawa na lamang ng nakaraang malawakang pagbaha na dahil sa hagupit ng bagyong "Ondoy".Maraming tao ang naging biktima at saksi sa pangyayaring ito.Mga taong inakala nilang hindi na sila makakabangon dahil dahil sa nawalan na siula ng pag-asa.Maraming tao ang hindi matanggap ang ang pangyayaring iyon na magdudulot ng malaking pinsala.Marahil ay noong una'y pinanghinaan na sila ng loob ngunit ng kalaunan ay dumating muli ang bagong pag-asa na tumulong sa kanila upang magsimula muli.
Samaktuwid,sa bawat pangyayaring nagaganap na hindi natin inaasahang dumating na nagdulot sa atin ng panghihina ng loob ay mayroong liwanag na kasunod na tutulong sa atin upang muling makapagsimula.