I.                    Panimula

Ang panitikang susuriin ay makling kuwento, ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay na hango sa tunay na buhay o hindi,

II.                  Pormalistiko

A.      Buod/Sinopsis-

Naghughugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapn at pangarlan siya ng kanyang ina. Binalaan siya nito na huwag na siyang makipag-away,

                Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil siya ayisang agwador. Makina ang kita ng kanyang ina.Inaapi siya dahil sa kahirpan. Isa sa matinding manukso ay ang kapwa  niyang agwador; na si Ogor.

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo.. Nakaanim na karga siya at may sisente sentimos anang makalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan. Agad siyang tinawag na negro, araw-araw ito, walang tigil. Nang lumipas ang ras, si Ogor na ang nag-iigib at nagkaroon ng pag-asa si Impen dahil siya na ang susunod. Nang isahod na niyang ang balde sa gripo ay agad siyang pinigilan ni Oger. Nag-init ang ulo nang dalawa. Nagsimula ang pananakit ni Ogor kay Impen.  Naisip ni Impen ang problema ng mga tao sa kanyang ina. Doon nagsimula ang lakas ng loob ni Impen at nagbagabag niya si Ogor. Napasuko ni si Ogor, lupaypay na rin. Nakatingin ang lahat sa kanilang dalwa. Tila hangang-hanga sa kanya ang mga tao.

B.      Mga Elemento

1.       Paksa- tungkol sa isang batang lalaki na maitim ang kulay, kulot ang buhok at anak ng babaeng sinasabing iba’t iba ang asawa. Dito umiikot ang buong kuwento, kay Impen na rtalagang nakakarnas ng diskriminasyon.

2.       Tagpuan- Sa bahay nila Impen na baru-barung kung saan narooon ang kanyang Ina at 3 na kapatid. Sumunod ay sa igiban.

3.       Tauhan-

-          Impen, batang lalaki na nakaranas ng diskriminasyon.

-          Ogor, ang kaaway ni Impen sa kuwento.

-          Kano, Boyet at Diding, kanyang mga kapatid.

4.       Banghay

a.       Panimula- Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen ng siya’y kausapin ng kanyang Ina upang pangaralan. Binalaan siya nito na huwag ng makipag-away at umuwi na basag ang mukha.

b.      Saglit na Kakintalan- Nang siya naglalaakad sa labas patungo sa iigiban niya at napapansin nyang dumudungaw ang bata sa kani-kanilang mga barung-barong at pinag-titinginan at ma matanda’y nagbubulungan at sinasambit na siya ay isang negro,

c.       Papataas na Aksyon- Naroon nasi Impen sa igiban, at inaasar nanaman ni Ogor siya. Tinatawag na negro. Hinahayaan na lamang ni Imppen yun.

d.      Kasukdulan- Si Impen na ang sumasahod sa gripo’y bigla syang hinawakan ni Ogor sa balikat. May kaba na naramdaman si Impen. Pinaalis niya si Ogor sa pilahan at sinaktan na nga ni Ogor ni Impen dahil ayaw nyang umalis sa pila. Agad nang gumanti rin si Impen dahil sa sakit na kaniyang nadama. Pumasok sa isip nya ang mga tsismis tungkol sa kanyang ina at gumanti na rin sya kay Ogor.

e.      Pababang Aksyon- Nagpatuloy nga ang kanilang pag-aaway at sa di-inaasahann ay unti-unting napasuko ni impen si Ogor dahil na rin sa mga suntok nito sa kanya.

f.        Wakas- Napasuko na nga ni Impen si Ogor at hinang-hina nya. Napatungin sa kanya ang mga tao na tila hangang0hanga sa kanyang nagawa.

g.       Tunggalian- Tao laban sa lipunan, dahil si Impen ay nakikipaglaban sa mga tao nangaapi sa kanya.

III.                Teoryang Pampanitikan

A.      Ipaliwanag ang mga teoryang pampanitikan

1.       Teoryang Klasismo- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

2.       Teoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

3.       Teoryang Imahismo-  Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. 

4.       Teoryang Realismo-     Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. 

5.       Teoryang Feminismo-  Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. 

6.       Teoryang Saykolohikal- Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. 

7.       Teoryang Romantisismo- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. 

8.       Teoryang Formalismo/Formalistiko- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. 

9.       Teoryang Queer- Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.

10.   Teoryang Psycho-Analitiko- ipinapakita sa akada ang pagkaagresibo ng mga tao sa usaping sekswal at mga sexual urges.

B.      Teoryang gagamitin sa Pagsususri

          Si Impen ay lumaban sa kabila ng panglalalait at ibang turing sa kanya ng mga tao. Maitim, kulot ang buhok, at Inang nagkaroon ng iba;t ibang asawa. Iyan ang mga panlalalit na araw-araw nyang hinaharap. Ngunit natuto si Impen na lumaban. Lumaban kay Ogor na isa sa mga nanlalalit sa kanya.

          Dito pumapasok ang teoryang Markismo. Si Impen ay lumaban at natutong bumangon para umangat mula sa mga pagdurusa dulot ng kanyang lipunang kinabibilingan.

IV.                Reaksyon

-          Napakaganda. Iyan ang masasabi ko sa kuwentong Impeng Negro. Maayos ang pagkakagawa ng kuwento. May iniwang aral sa mga taong nakararanas ng mga pangyayaring gaya ng mga nararanasan ni Impen. Ang taong lang ay, “Ikaw, laban sa daigidig, makakalalaban ka kaya? Makabangon ka kaya?” 

Nathanielle Aleister Xavierre Mendez
1/31/2014 11:51:03 am

Pano po siya naging teoryang Markismo.?? (e hindi nmn po paglalabang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan ang dahilan ng paglalaban nila ....Parehas po silang mahirap.)

(Pede po siguro siya sa Teoryang Naturalismo or Saykolohikal )
Teoryang NAturalismo
binibigyang-diin sa teoryang ito,ang namana at pisikal na katangiang likas ng tao kaysa katangiang moral o rasyunal.

teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang
behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior
dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Reply
Nathanielle Aleister Xavierre Mendez
1/31/2014 11:55:17 am

Pero thanks pa din po sa post niu na to, kasi nagkaron po ako ng idea sa kung ano ang gagawin ko.

Reply
7/19/2015 09:02:48 pm

eqesrdytgfghftye56ertfghcftyre 75t6yjugftdfgdtyfyhgikujhtyutgughl

Reply
Nathanielle Aleister Xavierre Mendez
1/31/2014 11:56:04 am

Pero thanks pa din po sa post niu na to, kasi nagkaron po ako ng idea sa kung ano ang gagawin ko.

Reply
Nathanielle Aleister Xavierre Mendez
1/31/2014 11:56:11 am

Pero thanks pa din po sa post niu na to, kasi nagkaron po ako ng idea sa kung ano ang gagawin ko.

Reply
sarah cabogoy
8/4/2014 04:52:33 pm

bakit maitim si impen


Reply
8/23/2015 03:28:27 pm

haha^^ yes may pang project nako^^ copy paste lang to^^ haha^^ thanks uli^^

Reply
10/2/2015 07:39:12 pm

Ano po yung aral ng kwentong Impeng Negro ?

Reply
6/27/2017 05:34:44 am

Tnkz for the nice information

Reply
rose ann
7/23/2017 04:52:28 pm

Bat wala pong aral

Reply
Donna Mae
6/24/2018 01:29:51 am

Ano po ba ung kaisipan o ideya sa kwentong ito??




Thanks

Reply
Khianne
7/3/2018 03:08:02 am

Ano po ba ang suliranin sa impeng negro?

Reply
8/2/2018 03:35:53 pm

ulol

Reply
nurah nassah
8/5/2018 08:33:08 am

ano va ang ktngian ng mga kpatd ni impen???

Reply
tite
10/24/2018 03:30:45 pm

Paano ito naging feminismo?

Reply
fantastica
12/28/2018 03:28:08 am

meron po bang nirerepresent ang bawat tauhan sa Impeng Negro po?

Reply



Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    March 2013

    Categories

    All