May matalik na magkaibigan sina Ederlyn at Alex sila’y nasa kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. Matagal na silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at kilala na nila ang isa’t isa.
              Isang araw ay inaya ni Alex si Ederlyn sa madalas nilang puntahan na lugar may mga punodoon at sariwa ang hangin.”Best, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong pagsabihan”.nakangiting wika ni Alex habang nakahawak sa kamay ni Ederlyn.”Ano yon?”may pagtatakang tanong nito.”Kami na ni Feliz!”biglang napakayakap si John sabay buhos ng malakas na ulan. Napaluha si Ederlyn ngunit hindi iyon nahalata dahil sa ulan.”Masaya ko para sayo”may pilit na ngiti na lumabas sa bibig ni Ederlyn. “Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo bes.”bakas pa din ang saya sa mukha ni Alex.”Pagod na ko. Umuwi na tayo at baka magkasakit pa tayo.”may panghihina sa boses ni Ederlyn. “O sige, hatid na kita”may pagtatakang wika ni Alex.
Matapos ang pag-uusap nila na yoon ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni Alex na nagka nobyo na din si Ederlyn.
              Isang araw ay napagpasyahan ni Alex na dalawin si Ederlyn sa kanilang bahay. “Hi Ederlyn. I miss you.”nakangiting wika ni Alex(Wala na ang dating kinang sa mata ni Ederlyn, wala na din sigla lungkot na lamang ang nababakas sa kanyang mukha)wika ni Alex sa sarili. “Anong ginagawa mo dito?”matamlay na tanong nito.”Gusto kong makita ka best.”wika ni Alex. “Para saan pa? Wala na din kwenta magkita man tayo o hindi” may kirot sa bawat bitaw na salita ni Ederlyn.”Mahalaga kasi mahal!”natigilan si Alex.”Ano?? Wala!. Alam mo Alex humiling ako sa bitwin kahit na alam kong hindi matutupad iyon”umiiyak na umalis si Ederlyn. Naiwan pa ding naiwan si Alex.”Bakit hindi ko naituloy ang nararamdaman ko na mahal…..ko si Ederlyn”wika niya sa sarili.
Araw nan g kanilang pagtatapos ay hinahanap ni Alex si Ederlyn ngunit sabi ng kaibigan nito na hindi daw ito dumalo. May biglang lumapit na lalaking may balbas, pula ang mata, at mahaba ang buhok na lalaki kay Alex.”Hi pare, nakita mob a si Ederlyn? Hindi ba ikaw ang bestfriend niya? Ako nga pala ang nobyo niya”wika ng lalaki kay Alex.”Bakit sa akin mo tinatanong hindi ba dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya!”nanlalaking wika ni Alex.”Easy pare ibibigay ko lang sana sa kanya ang regalo ko.”at tumalikod na ito.
            Kinabukasan ay nagbabasa ng diyaryo si Alex ng bigla niya itong nabitawan.Ganito ang kanyang nabasa “A College Graduate is Dead because of her Addict Boyfriend” nasabi doon na pinasubok kay Ederlyn ang drugs na kahit na siya’y hindi pa niya natitikman. “Walang hiyang iyon drugs pala ang sinasabi nitong regalo. Magbabayad siya!”pabulyaw na wika ni Alex.”Na kay Feliz ang atensyon ko ngunit ang dapat kong inalagaan at hindi pinabayaan ay ngayon ay wala na … ang aking bestfriend. Bakit hindi ko masabi noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa matalik na kaibigan”umiiyak na wika ni Alex.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All